-- Advertisements --
Nakatakdang makipagkita ngayong hapon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang pangulo ng Singapore na si Madam Halimah Yacob.
Kahapon nang dumating sa bansa si Yacob para sa kanyang five-day state visit.
Kaninang umaga naman pinangunahan ng Singaporean president ang wreathlaying ceremony na ginanap sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Rizal Park.
Batay sa inilabas na schedule ng Malacañang, magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider kung saan inaasahan ilang mga kasunduan ang malalagdaan.
Ngayong taon ginugunita ang ika-50 taon ng diplomatic relations ng Singapore at Pilipinas na opisyal na nag-umpisa noong May 16, 1969.
Si Halimah Yacob ang pinakaunang babaeng pangulo ng Singapore.