-- Advertisements --
image 129

Nagpadala na ng patrol boat ang mga kinauukulan para sagapin ang mga sakay ng isang Singapore-registered oil tanker na pinaniniwalaang inatake ng mga pirata.

Ito ay matapos na mapaulat na sakyan ng mga hindi kilalang tao ang naturang oil tanker na may layong 300 nautical miles mula sa Ivory Coast sa Gulf ng Gulf of Guinea.

Ayon sa Maritime and Port Authority ng Singapore, mayroong 20 crew members ang sakay nito na may iba’t-ibang lahi, at isa sa mga ito ay isang Singaporean.

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Maritime and Port Authority ng Singapore sa may-ari ng nasabing barko, Monrovia Regional Maritime Rescue Coordination Centre, at Information Fusion Centre sa Changi Comman and Control Centre upang subaybayan ang sitwasyon nito at makapagpadala ng mga kaukulang tulong na kinakailangan.

Sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ng mga otoridad ang eksaktong lokasyon ng nasabing oil tanker dahil posible anilang pinatay ang beacon nito.

Kaugnay nito ay humingi na rin ng external help ang Singapor mula sa Spain at Europe.

Ayon sa United Nations Security Council, ang Golpo ng Guinea ay naging isang global piracy hotspot sa mga nakaraang taon bagama’t bumagsak ang mga kaso doon mula noong 2021 habang pinalakas ng mga otoridad ang mga pagsisikap sa seguridad na tinulungan ng mga foreign naval ships.