-- Advertisements --

Binuksan na ng Singapore ang kanilang border sa lahat ng mga fully-vaccinated na bisita.

Isinagawa ang nasabing pagbubukas matapos ang dalawang taon na pagsasara nila ng border sa dahil COVID-19 pandemic.

Noong nakarang mga buwan kasi ay mangilan-ilan lamang na mga bansa ang pinapayagang makapasok sa Singapore.

Simula ngayong Abril 1 naman ay kailangang magpakta ng negatibong COVID-19 test results ang sinumang fully-vaccinated na pasahero.