CAUAYAN CITY – Isinagawa ng iba’t ibang grupo ang simultaneous peace rally bilang pagkundena sa New Peoples Army (NPA) sa nasasakupan ng 5th Infantry Division, Philippine Army.
Kabilang sa mga nakiisa sa peace rally at candle ligthing ang grupo ng mga kabataan, mga kasapi Philippine National Police at Philippine Army.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, chief ng Divisioin Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division, Philippine Army, sinabi niya na kumpiyansa ang kanilang hanay na unti-unti ng humihina ang pwersa ng NPA na resulta ng puspusang militay operations.
Habang ang iba ay kusa ng itinatakwil ang mga panlilinlang ng mga NPA.
Samantala handang-handa na rin ang Philippine Army na magbigay ng augmentation o karagdagang pwersa sa Pambansang Pulisya sa pagbibigay ng seguridad ngayong Semana Santa.