-- Advertisements --

Marami ang nasawi sa pag-atake ng mga armadong suspek sa isang simbahan sa Ondo state sa southwest Nigeria.

Naganap ang insidente sa St. Francis Catholic Church sa bayan ng Owo habang isinasagawa ang misa.

Wala pang grupong umako sa nasabing insidente.

Hindi pa matiyak ng mga otoridad kung ilan ang bilang ng nasawi sa insidente.

Mariing kinondina ni President Muhammadu Buhari ang nasabing pinakahuling patayan.