Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na wala pang iniisyung request ang pamahalaan para maglabas ng red notice ang International Police Organization (Interpol) laban kay dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Ani Remulla, kasalukuyan nang kanselado ang pasaporte ni Roque ngunit wala pang inilalabas na red notice laban sa kaniya sa kasalukuyan.
Paglilinaw niya, nakatakda silang makipagugnayn sa mga otoridad at maging sa mga foreign counterparts para gawin ang pagaresto kay Roque.
Bagamat aniya mayroon silang koneksyon at pagkakaibigan, bilang kalihim dapat aniyang iisantabi ang mga bagay na ito at unahin ang kaniyang responsibilidad bilang kalihim ng departamento.
Sa ngayon, tiniyak ni Remulla na sisiguruhing dadaan sa tamang proseso at ikakasa ang mga tamang hakbang kapag binigyang pagkilala na ang pagaresto laban sa former presidential spokesperson.
















