-- Advertisements --

Pumanaw na ang sikat na Swedish author na si Per Olov Enquist sa edad 85-anyos.

Bukod sa Sweden ay nakilala din ang mga gawa ni Enquist sa ilang bahagi ng Europe kabilang na ang France at Germany.

Sinasabing ang kanyang mga obra ay kumukuwestiyon sa katotohanan na kumokontra sa pagitan ng fact at fiction.

Nagwagi rin ng Oscar award sa best foreign-language film sa screenplay ang gawa nitong “Pelle the Conqueror”.

Ipinanganak noong 1934 sa northern Sweden, si Enquist ay lumikha ng 20 nobela, plays, at essays na naisalin sa iba’t ibang mga wika.