-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Japanese composer at producer na si Ryuichi Sakamoto sa edad 71.

Ayon sa kampo nito na noong 2021 ay dalawang beses na ito ng na-diagnosed ng cancer.

Kahit na mayroon ng sakit ay tuloy pa rin ang paggawa niya ng mga kanta sa kaniyang bahay.

Nagwagi ito ng mga awards gaya sa Oscar, Grammy at BAFTa dahil sa solo artist bilang miyembro ng Yellow Magic Orchestra (YMO).

Kasama ito sa mga pelikulang “Merry Christmas, Mr. Lawrence” kasama ang singer na si David Bowie noong 1983.

Ayon sa kaanak nito nais niyang pawang mga malalapit na kaibigan at kaanak ang dadalo sa burol nito.

Nagpaabot naman ng kanilang mga pakikiramay ang mga fans at ilang international showbiz personalities na nakasama ni Sakamoto.