-- Advertisements --
Ginger Baker
Ginger Baker

Pumanaw ang kilalang drummer sa rock music na si Ginger Baker sa edad 80.

Ayon sa kanilang kaanak, na itinakbo ito sa pagamutan dahil sa masamang pakiramdam nito noong nakaraang mga linggo.

Isa si Ginger na nagtaguyod ng bandang Cream noong 1966 kung saan gitarista nito sa Eric Clapton at bassist/ vocalist naman si Jack Bruce.

Ipinanganak bilang si Peter Edward Baker sa southeast London noong 1939 kung saan pinangalanan itong Ginger dahils a kulay pula nitong buhok noong kaniyang kabataan.

Matapos na maghiwalay ang bandang Cream ay sumali ito sa iba’t-ibang mga banda gaya ng Blind Faith at 10-piece Ginger Baker’s Air Force.