-- Advertisements --
Tinanggal na ng Pagasa ang lahat wind signals para sa bagyong Carina, ngayong malayo na ito sa Pilipinas.
Inaasahan na rin ng Pagasa na hihina ito sa mga susunod na oras.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 140 km sa kanluran hilagang kanluran ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran at nananatili ang lakas ng hanging 45 kph at may pagbugsong 55 kph.










