-- Advertisements --
Nagtaas na ng tropical cyclone wind signal number two (2) ang Pagasa para sa Batanes dahil sa typhoon Henry.
Nananatili naman sa signal number one (1) ang Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Taglay nito ang lakas ng hangin na 165 kph at may pagbugsong 205 kph.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 365 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito nang napakabagal patungo sa pahilagang kanlurang direksyon.