Makakaranas ang Ilang lugar sa Southern Luzon at Southwestern Tagalog regions ng kalat-kalat na pag-ulan sa Lunes dahil sa shear line, ayon sa state weather bureau.
Sinabi ng weather bureau nitong 4 p.m. weather forecast, ang Bicol Region at ilang bahagi ng Mimaropa at Calabarzon ay kabilang sa mga apektadong lugar.
Ang Easterlies, ay magdadala ng mga pagkidlat-pagkulog sa hapon at gabi sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao Lunes hanggang Miyerkules.
Inaasahan din ng DOST ang shear line na magpapalakas sa Amihan surge midweek. Magdadala sila ng mga pag-ulan sa Bicol at ilang bahagi ng MIMAROPA at Eastern Visayas sa Huwebes; karamihan sa Visayas Biyernes at Sabado; at kasama ang Caraga pagsapit ng Linggo.
Sinabi ng weather bureau, posibleng makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa ang mga nasabing lugar.
Ang Metro Manila, samantala, ay makakaranas ng maulap, ilang paminsan-minsang maaraw, at posibleng mahinang pag-ulan lalo na sa pagitan ng Martes at Huwebes at tuwing weekend.