-- Advertisements --
Nagpasya si Grammy-nominated artist Shawn Mendez na magpahinga muna mula sa sa kaniyang ikalimang concert tour na “Wonder: The World Tour”.
Sa kaniyang social media, sinabi ng 23-anyos na singer na nais niyang matutukan ang kaniyang mental health.
Humingi ito ng paumanhin sa mga fans niya dahil sa pagkansela ng three weeks North American tour dates sa Uncasville, Connecticut.
Bagamat masakit sa kaniyang loob ang pagkansela ng nasabing mga show ay hindi humingi ito ng pang-unawa sa mga fans.
Dagdag pa nito na pinayuhan siya ng kaniyang team at mga health professionls na magpahinga para makatutok sa kaniyang mental health.