Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kaniyang naging karanasan matapos ang concert sa US.
Sa kaniyang social media sinabi nito na nagkasakit siya at hindi makatayo ng ilang araw.
Matapos kasi ang concert nilang dalawa ni Regine Velasquez ay nakaramdaman ito ng hindi maganda sa kaniyang kalusugan.
Halos hindi ito makatayo mula sa pagkahiga at ito ay kaniyang naranasan ng ilang araw.
Dagdag pa nito na nauna ng umuwi pabalik sa Pilipinas si Regine habang naiwan muna siya dahil sa nasabing karamdaman.
Hindi na rin aniya sila nakapasyal at nakalabas matapos ang kanilang concert.
Hindi naman na nagbigay pa ito ng anumang detalye sa kaniyang kalusugan.
Naging malapit na rin aniya siya kay Regine mula ng magsimula ang kanilang serye ng concert sa US noong 2019.