-- Advertisements --
Humihingi ng pagdarasal si Sharon Cuneta dahil sa tatlong miyembro sa pamilya nito ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan kasama ang buong pamilya.
Hindi na binanggit pa ng Megastar kung sino sa miyembro ng pamilya nito ang dinapuan ng COVID-19.
Kuwento nito na kagagaling lamang nila sa Australia subalit imbes na maging masaya ang pag-uwi ay napuno ito ng lungkot dahil sa pagpositibo ng mga ito sa virus.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na dinapuan ng COVID-19 ang pamilya ng singer/actress dahil noong Enero ay nagpositibo ang asawa nitong si Senator Kiko Pangilinan subalit idineklara ng doctor nito na siya ay nag-false positive lamang.