-- Advertisements --
Muling nagsagawa ng mandatory COVID-19 testing ang Shanghai China dahil sa pamamayagpag ng Omicron subvariant.
Inatasan ng mga otoridad sa Shanghai ang mga residente ng 16 distrito na sumailalim sa dalawang rounds ng testing para maiwasan ang muling pagpapatupad ng lockdown.
Nitong nakaraang araw kasi ay nadiskubre ang bagong kaso ng BA 5.21 subvariant sa nasabing lugar.
Itinuturing dahilan ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa ay dahil sa nararanasang tag-init.