-- Advertisements --
Nakipagkasundo na ang Colombian pop star na si Shakira sa Spanish prosecutor para sa kinakaharap nitong tax fraud case.
Isinagawa ang pakikipagkasundo ilang oras bago ang pagsisimula ng pagdinig sa kaso.
Nagbayad ang singer na umaabot sa mahigit $8.2 milyon na multa.
Nakatakdang irekomenda na kasi ng piskalya na makulong ang singer ng hanggang walong taon at pagbayaran ng multa ng mahigit $26-M kapag napatunayan na ito ay guilty.
Nahaharap ang singer ng tax fraud allegation ng mahgiit $16-M dahil sa pagsisinungaling ng kaniyang buwis noon ito ay nanirahan sa Spain.
Mariing itinanggi naman ni Shakira ang alegasyon na ito ng korte.










