Hiwalay na ang singer na si Shakira sa asawa nitong footballer na si Gerard Pique.
Isinagawa ng dalawa ang anunsiyo sa kani-kanilang mga social media.
HIndi naman binanggit ng dalawa ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Ang 45-anyos na si Shakira ay ang sumikat sa kanta nitong “Hips Don’t Lie” na nakabenta ng mahigit 60 milyon albums.
Habang ang 35-anyos na Spanish football star ay kasamang nagwagi ng koponang Barcelon sa 2010 Word Cup at 2012 European Champion.
Nagkakilala ang dalawa noong 2010 World Cup habang ginagawa ang anthem video.
Isinagawa ang anunsiyo ng dalawa ng paghihiwalay isang linggo matapos ang papalapit na pagdinig sa tax case ni Shakira matapos na ibasura ng korte sa Barcelona ang apila nito.
Inakusahan kasi ng Spanish prosecutors ang singer na niloko ang tax office ng Spain ng hindi sabihin ang kita na $15.5 milyon mula 2012 at 2014.
Paliwanag nito na lumipat lamang ito sa Spain noong 2011 ng magkarelasyon ito kay Pique at pinanatili ang official tax residency sa Bahamas ng hanggang 2015.