-- Advertisements --
image 241

Muling nanindigan ang pamunuan ng pambansang pulisya na hindi nila kinukunsinti ang pagbibigay ng bahagi ng nasabat na shabu bilang reward sa kanilang informant.

Ayon kay PNP spokes Police Col. Jean Fajardo, hindi sang-ayon ang kanilang pamunuan sa ganitong gawain.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos sabihin ng isa sa mga pulis na sangkot umano sa pangungupit ng 42 kilo ng ipinagbabawal na droga (shabu) mula sa 990 kilo ng shabu na nakumpiska sa lending agency na pag-aari mismo ni Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.

Batay umano sa binitawang salaysay ni PSMS Jerrywin Rebosora , ang kinupit na naibalik rin ay isa aniyang reward para sa mga impormante.

Inihayag ni Fajardo na iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang mga impormasyong ito.

Hinahanap na rin ang sinasabing impormante na pagbibigyan ng nasabing bahagi ng nasabat na shabu.

Sinuguro naman ng PNP na nag sinumang tauhan nito na mapalatunayang sangkot sa ganitong masamang gawain ay papatawan kaukulang kaso.