-- Advertisements --

Nagsampa ng kaso ang sexy actress na si Debbie Garcia laban kay Barbie Imperial.

Inihain ni Garcia ang kasong grave oral defamation, slight physical injury at grave slander sa Quezon City prosecutor’s Office.

Nagbunsod ang insident noong Oktubre 28 sa isang resto bar sa Quezon City.

Unang nagpablotter si Garcia sa PNP station ng Quezon City at gagamitin pa nito ang kuha ng CCTV laban sa kapwa actress.

Lumabas ang usapin na pinagselosan umano ni Barbie ang pagsasama noon ng dati nitong nobyo na si Diego Loyzaga at si Debbie sa isang pelikula.