-- Advertisements --

Muling ginulantang ng mga pagsabog ang Kyiv matapos ang tumamang missiles sa residential complex malapit sa kabisera ng Ukraine.

Maliban dito ay nakubkob at fully occupied na rin umano ng Russian troops ang key industrial hub ng Severodonetsk.

Kasunod nito, nakatakda namang magbigay ng kanyang address sa G7 leaders si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Nagkaroon daw kasi ng serye ng pag-atake sa mga malalayong lugar gaya ng Lviv na malapit na sa Polish border.

“This confirms … that air-defense systems — the modern systems which our partners have — should not be on the sites or in storage, but in Ukraine,” ani Zelensky.

Apat na pagsabog ang narinig sa kabisera ng Ukraine nitong linggo.