-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi na itinuloy pa ng T’boli-local government unit ang dapat na pagdiriwang para sa 46th Foundation Anniversary at 22nd Seslong festival.

Sinabi ni Municipal Mayor Dibu Tuan sa Bombo Radyo, na ngayong araw na sana ang culmination sa nasabing aktibidad subalit napilitang magpalabas ng Executive Order (EO) No.12 para hindi na kumalat pa ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Naawan man sa mga residente subalit wala aniya itong magawa dahil sumusunod lamang sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, sinarado ng munisipyo ang GenSan-T’boli road. Parte ng EO ang paglagay ng medical team sa daan para ma-check ang lahat na papasok sa kanilang lugar.

Nabatid na tampok sana dapat sa culmination of activities ang concert nila Queasy at Bambo at ang nationwide Enduro challenge racing na pangunahan mismo ni Mayor Tuan.

Nanawagan din ito sa publiko na makipagtulungan para mapanatili nila ang zero case ng COVID-19 sa palaging paghugas ng kamay.