-- Advertisements --

Nagpahiwatig ng kaniyang muling pagsabak sa Wilmbledon tennis sa buwan ng Hunyo si dating world number one Serena Williams.

Kasunod ito sa hindi na niya itinuloy ang kanilang first-round match sa Wimbledon noong nakaraang taon dahil sa leg injury.

Hindi na rin lumahok ang 40-anyos na US tennis star sa Tokyo Olympics at US Open noong 2021 dahil sa hamstring injury ganun sa Australian Open ngayong taon.

Gaganapin ang Wimbledon mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 10 kung saan huling manalo ito noong 2016.