-- Advertisements --
Maagang namalaam si US tennis star Serena Williams matapos na talunin siya sa first round ng Cincinnati Masters ni Emma Raducanu.
Nakuha ng US Open champion na si Raducannu ang score na 6-4, 6-0.
Naging mahinahon ang paglabas sa court ni Williams kung saan hindi na ito nagpaunlak ng panayam.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay inihayag ng 40-anyos na si Williams ang pagreretiro sa paglalaro kung saan magiging huling paglalaro na nito ay sa US Open sa katapusan ng buwan.
Aminado si Raducanu na kinabahan siya sa laro dahil sa alam nito ang galing ng beteranong tennis player.