Hangad ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang patas na hustisya, matapos mabiktima ng ‘political prosecution.’
Dahilan sa paghain nito ng House Resolution para depensahan si dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Sa pahayag ni Congresswoman Arroyo, nais niyang matiyak ang patas na hustisya para sa lahat, dahil siya ay minsan na umanong nabiktima ng “unfair investigation at prosecution” noong administrasyong Aquino.
Pinangunahan ng dating Pangulo ang paghahain ng isang resolusyon na humihimok sa Kamara na depensahan si dating Pang. Rodrigo Duterte laban sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC ukol sa “crimes against humanity” dahil sa kontrobersiyal na giyera kontra ilegal na droga.
Sa House Resolution 780, nakasaad na marapat na nagdeklara ng “unequivocal defense” ang Mababang Kapulungan bilang suporta kay dating Pres. Duterte.
Nasa 18 mambabatas ang nagkaisa para pigilan ang planong imbestigasyon laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Kabilang sa mga kasama ni Arroyo sa resolusyon na ito ay sina Reps. Carmelo Lazatin, Jr., Aurelio Gonzales, Anna York Bondoc-Sagum, Jose Alvarez, Mary Mitzi Cajayon-Uy, Richard Gomez, Wilton Kho, Loreto Amante, Edward Hagedorn, Edwin Olivarez, Eric Martinez, Eduardo Rama, Jr., Dale Corvera, Zaldy Villa, Ma. Rene Ann Lourdes Matibag, Mohamad Khalid Dimaporo, Johnny Pimentel at Marilyn Primicias-Agabas.
Iginiit ng mga mambabatas ang “remarkable accomplishments” ni Duterte sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga, “insurgency” at terorismo, maging sa katiwalian at kriminalidad kaya naging mas mabuti, kumportable at mapayapa umano ang buhay ng mga tao.
Binigyang-diin din nila na ang “judicial system” sa Pilipinas ay gumagana naman at “independent.”