Papayagan na makalabas ng kanilang bahay para makapaghain ng certificate of candidacy sa Oktubre ang mga senior citizens na nagbabalak tumakbo sa halalan sa 2022.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pinayagan na ng IATF ang mga edad 65-anyos pataas para pumunta sa national offices at designated field offices ng Comelec.
Kikilalanin sila bilang authorized persons outside of residence sa paghahain ng kanilang COC anuman ang magiging community quarantine classification sa mga lugar at kanilang vaccination status sa mga panahon na iyon.
Sa ngayon, bawal na lumabas ng bahay ang mga senior citizens dahil kinukonsidera sila bilang vulnerable sa COVID-19.
Tanging ang mga senior citizens nasa general community quarantine at modified GCQ na fully vaccinated ang pinapahintulutan na makalabas.