-- Advertisements --

Nanawagan si Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa pamahalaan na gawing prayoridad sa pagbibigay ng tulong ang mga nakatatanda na apektado nang pananalasa ng Bagyong Rolly.

Base aniya sa Republic Act No. 9994 o ang ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 dapat gawing prayoridad ang mga senior citizens sa pagbibigay ng tulong tulad ng mga gamot, pagkain at iba pang mga pangangailangan.

Kaugnay nito ay sinabi ng kongresista na nakipag-ugnayan na siya sa DSWD at DOH para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga senior citizens sa Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon.

Samantala, mababatid na sumulat na rin si Ordanes kay Pangulong Duterte para payagan na rin makalabas ang mga nakatatanda pagsapit ng Disyembre.