
Isinisi ng mga Senador, magsasaka at iba pang stakeholders sa Department of Agriculture (DA) ang mahinang pagpaplano nito dahilan sa umano’y lapses na humantong sa pagtaas ng presyo ng lokal na sibuyas.
Ito ay kasunod ng pagdalo ng DA officials at mga magsasaka ng imbitahan ng Senate panel on Agriculture, Food, and Agrarian Reform upang matukoy ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas sa P700 kada kilo sa kasagsagan ng holiday season at nananatili sa P350 hanggang P550 ngayong linggo.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, chairperson ng panel na siya mismo ay naguguluhan kung paano tumaas ang presyo ng nasabing commodity gayong wala namang talagang kakulangan sa suplay.
Aniya, base sa suplay ng sibuyas at demand data ng DA , walang kakulangan na maaaring magdulot sa biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas dahil mayroong surplus na 53,202 metric tons (MT) noong 2021 na makakatugon sa 2,000 MT deficiency noong 2022.
Isinisi naman ni Senator Imee Marcos na siyang nag-inisyatibo ng imbestigasyon sa poor planning o mahinang pagpaplano ng DA para sa onion crisis.
Ipinunto ng mambabatas na ang kakulangan ng suplay ng sibuyas ay naiwasan kung ginawa ng DA na timely at well projected ang importasyon tuwing off season.
Bilang tugon, sinabi ng DA na updated na ang kanilang request at mag-aangkat lamang ng 5,000 MT ng sibuyas.
Una ng inihayag ng DA ang planong importasyon ng 20,000 MT ng sibuyas para matugunana ng tumataas na presyo na umani ng batikos dahil makakaapekto ito sa mga local onion farmers na nakatakdang mag-ani ng sibuyas sa susunod na buwan.









