CENTRAL MINDANAO-Sorpresang bisinita ni Senador Imee Marcos ang mga biktima ng pagbaha sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato.
Namahagi ang senadora katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII ng cash assistance na nagkakahalaga ng Php5,000 at relief goods para sa 500 pamilya mula sa 12 barangay ng bayan ng Pigcawayan na tinamaan ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Paeng.
Magbibigay din ito ng karagdagang tulong para sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Cotabato na nakaranas rin ng pagbaha.
Nagpasalamat naman si Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza sa pagbibigay ng oras at panahon ni Senador Marcos na mabisita at makamusta ang mga CotabateƱong nasalanta ng bagyong Paeng noong nakaraang linggo.
Kasama din sa naturang pamamahagi ng tulong sina DSWD Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr., Board Members Roland Jungco, Ivy Dalumpines-Ballitoc, Jonathan Tabara, Pigcawayan Mayor Juanito Agustin, Libungan Mayor Angel Rose Cuan, Midsayap Mayor Rolly Sacdalan, Aleosan Mayor Eduardo Cabaya at Kabacan Mayor Evangeline Guzman.
Taos-pusong nagpapasalamat naman kay Senador Marcos ang mga pamilya na nakatanggap ng tulong sa bayan ng Pigcawayan.