-- Advertisements --

Dinapuan din ng COVID-19 si Senator Cynthia Villar.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Migz Zubira sa plenary session ngayong araw.

Ang senadora na ang ikatlong senator na nagpositibo wala pang isang linggo matapos na magpositibo rin sina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Imee Marcos.

Samantala, nagpaabot din ang Senate president ng pagdarasal sa mabilis na paggaling ng penadora at para sa lahat ng kanilang mga miyembro na maging mas maingat sa panahong ito kung saan patuloy na lumalakas ang COVID-19.

Sinabi ni Zubiri na nakakaranas ang senadora ng “raging fever”.

Noong Lunes naman ng ianunsiyo na nagpositibo sa COVID-19 si Senator Imee Marcos habang sinabi naman ni Senator Cayetano na mas mabuti na ang kanyang pakiramdam ngayon at planong pisikal na mag-report sa trabaho sa susunod na linggo.