-- Advertisements --
Inamin ni Senate President Vicente Sotto III na bukas ito sa posibilidad na tumakbong vice-president sa darating na 2022 national elections.
Kung sya raw ang papipiliin, komportable siyang maging running mate ni Sen. Panfilo Lacson.
Sina Sotto at Lacson ay kabilang sa isang grupo sa Senado, kung saan kasama nila noon si DICT Sec. Gregorio Honasan.
Sa nakaraang survey ng Pulse Asia, nasa pangatlong puwesto si Sotto para sa mga posibleng kandidato sa pagka-bise presidente.