-- Advertisements --

Pormal nang tinapos ng Senate Impeachment Court ang pre-trial conference kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes, Hunyo 25, 2026.

Nagpasalamat si Senate Secretary Renato Bantug Jr., na siya ring clerk of court ng impeachment court, sa mga miyembro ng prosecution at defense teams dahil sa kanilang kooperasyon na nagresulta sa mabilis na pagtatapos ng pre-trial conference sa loob lamang ng limang araw.

Pinangunahan ng Batangas Rep. Gerville Luistro ang prosecution panel mula sa House of Representatives, habang si Atty. Shiela Sison naman ang nanguna sa depensa ni Vice President Duterte.

Kapwa nila pinuri ang lahat ng partido na tumulong upang mapabilis ang proseso.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Bantug: “There being no further matters at this stage, this pre-trial conference is hereby concluded,” bago niya ibagsak ang gavel bilang hudyat ng pormal na pagtatapos ng proceedings.

Kasama rin sa seremonya sina Deputy Clerks of Court Atty. Marivic Laurel-Garcia at Atty. Maria Valentina Cruz.

Ang pagtatapos ng pre-trial conference ay nagbukas ng daan para sa pagsisimula ng aktwal na paglilitis sa impeachment case laban kay Vice President Duterte sa mga darating na araw.