-- Advertisements --
Hinimok ni Senador Francis Tolentino na ibalik ang pagtuon sa agricultural schools upang mapabilang ang mga kabataan sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura, pangisdaan, at aquaculture.
Kinausap ni Senador Tolentino si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Asis Perez para bigyang-diin ang kahalagahan ng muling pagtutok sa mga agricultural high school sa Pilipinas.
Aniya, sa sektor ng edukasyon, ang isa mga dapat bigyan ng pansin ay ang agricultural high schools dahil noong araw, napakaraming agricultural high schools.
Kinatigan naman ni Usec. Perez ang suhestiyon ni Tolentino at sinabing “Hindi lang po agriculture kundi pati fisheries at aquaculture dahil iyon ang source ng ating ulam. Ito po iyong ipu-pursue natin.”