-- Advertisements --
image 688

Kasunod ng naging hakbang ng party leaders sa Kamara, sinabi ni Senate Pres. Juan Miguel Zubiri na pinaplano rin ng mataas na kapulungan na i-reallocate ang unnecessary funds sa partikular na ahensiya sa intelligence agencies gaya ng Philippine Coast Guard (PCG), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, nagkasundo sila sa Senado na gawin ang parehong hakbang ng Kamara.

Ayon naman sa Senate Pres. kanila munang pag-aaralan ang lahat ng ahensiya na paglalagakan ng confidential funds.

Una rito, ngayong araw lamang, naglaba ng isang joint statement ang mga lider ng political parties sa Kamara kung saan inanunsiyo ng mga ito na nagkasundo silang i-reallocate ang confidential at intelligence funds sa PH Coast Guard, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nasa kabuuang P10.142 billion naman ang panukalang CIF para sa 2024.