Agad nilinaw ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na pinahihintulutan muli nila ang pagdalo ng mga miyembro ng kanilang kapulungan via online.
Ito ay kasunod ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang mga miyembro.
Matatandaang nitong nakaraang linggo ay magkakasunod ang ilang mambabatas na nagpositibo sa COVID, kabilang na si Sen. Cynthia Villar, na dumalo pa sa confirmation hearing ng Commission on Appointments kahit naka-isolate ito.
Paliwanag ni Zubiri, batay sa kanilang rules, ang tanging sinsuspinde nila ay ang online session para maibalik ang face-to-face na sesyon, habang ang ibang patakaran ay mananatili pa rin.
Maliban sa positibo sa COVID ay nai-a-apply din ang exemption na ito sa mga nagpapagaling mula sa sakit at maging ang may sintomas ng COVID-19 na naghihintay ng ginawang test.
Maliban sa mga senador, nagpositibo rin sa virus si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.