-- Advertisements --
Maagang tinapos ang sesyon ng Senado, para sa araw na ito, dahil sa mga bagong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nagpa-iral sila ng “semi-lockdown,” makaraang magpositibo sa virus ang tatlong in-house na nagsisilbi ng pagkain.
Tiniyak naman ni Sotto na hindi maaapektuhan ang kanilang mga aktibidad, sa kabila ng naturang pangyayari.
Magkakaroon lang aniya ng disinfection at ibabalik din agad sa dati ang takbo ng mga tanggapan sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Matatandaang marami na ring senador ang naitalang dinapuan ng COVID-19 mula pa noong nakaraang taon.









