-- Advertisements --
Isinusulong ni Senate President Juan Miguel ‘Migz” Zubiri ang pagbuo ng panel para mabantayan ang tamang paggamit ng mga intelligence at confidential funds.
Sinuportahan ng mga senador ang adoption ng panukalang Senate Resolution 302 na pagbuo ng Select Oversight Committee ng Intelligence and Confidential funds.
Ang nasabing senate panel ay siyang magbabantay ng intellegence fund na nagkakahalaga ng P9.28 billion sa darating na 2023.
Pinuri naman ni Sente Minority Leader Koko Pimentel ang nasabing hakbang dahil sa mababantayan na ngayon kung napupunta sa tama ang mga intel funds ng ibang ahensiya.