-- Advertisements --
cropped Risa Hontiveros 1

Inaasahan ni Senator Risa Hontiveros ang matibay na paggigiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, ang mga pagpupulong ni Marcos kay Chinese President Xi Jinping ay dapat nasa konteksto ng paglusob ng Beijing sa hurisdiksyon ng Pilipinas.

Aniya, wala umano itong inaasahan kundi ang isang matatag na paggigiit ng ating soberanya at legal na karapatan sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ng Senadora, dapat igiit ni Pangulong Marcos kay Chinese President Xi Jin Ping na hindi ibibigay ng Pilipinas kahit ang isang pulgada ng teritoryo ng ating bansa..

Kaugnay niyan, dapat ding kilalanin at igalang ng China ang 2016 arbitral ruling bago simulan ng Manila at Beijing ang pag-uusap sa joint exploration sa bahagi ng pinaglalabanang karagatan.

Noong 2016, pinawalang-bisa ng Permanent Court of Arbitration ang nine-dash line claim ng China at pinasiyahan na ang Pilipinas ay may eksklusibong mga karapatan sa soberanya sa West Philippine Sea