-- Advertisements --
Agad nagdaos ng pulong ang mga miyembro ng executive committee ng Lakas-CMD nitong weekend.
Layunin nitong makapagtalaga ng bagong mamumuno, kasnod ng pagkalas sa partido ng chairperson nito na si Vice President sara Duterte-Carpio.
Sa muling pagtatalaga kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang chairperson ng nasabing partido, maaaring magkaroon din ng paggalaw sa ibang mga posisyon, ngunit hindi pa ito naisapubliko.
Kaugnay nito, isang resolusyon naman ang ipinagtibay bilang pagkilala sa panahong iginugol ng bise presidente para sa Lakas-CMD.
Si VP Duterte-Carpio ay siyang nanguna sa grupo sa panahon ng kampanya at halalan noong taong 2022.