-- Advertisements --
Desidido si Senator Bong Revilla Jr na sampahan ng kasong cyber libel ang mga vloggers at mga may-ari ng websites na nagtulong-tulong para siraan siya sa social media.
Dahil sa nasabing paninira aniya ay nakaapekto ito sa kaniyang pagtakbo.
Subalit paglilinaw ng senator na kahit natalo siya sa halalan ay hindi nito kinukuwestyon ang resulta ng nagdaang senatorial elections.
Dagdag pa ng senador na labis itong nalulungkot dahil biktima ito ng fake news.
Naloko aniya nila ang mga tao ukol sa alegasyon na convicted ito ng Sandiganbayan at inatasan na ibalik ang P124 milyon sa gobyerno.
Giit nito na hindi siya balat-sibuyas dahil sanay na ito sa mga paninira na bahagi na ng pulitika tuwing panahon ng halalan.