-- Advertisements --

Ikinabahala ni Senator Grace Poe ang patuloy na insidente ng pangingidnap na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon sa Senador na isa sa mga biktima ay hipag ng kaniyang kaibigan kung saan mula sa Pasay City ay dinukot siya ng mga kalalakihan at dinala sa POGO dorm sa Cavite kung saan binugbog pa ito at ibinenta sa isang Chinese.

Nakatakas lamang umano ang biktima ng makiusap sa buyer na Chinese na tubusin siya ng kapatid nito.

Kabilang ang mga suspek sa naaresto ng mga kapulisan sa isinagawa nilang rescue noong buwan pa ng Setyembre.

Dahil dito ay nanawagan ito sa kapulisan na dapat mas paigtingin na nila ang kampanya laban sa mga dayuhan na dumudukot sa mga nagtatrabaho sa POGO.