-- Advertisements --

Inilahad ni Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang tunay na kalagayan ng bansa.

Sa kaniyang previlge speech sa senado ay kinontra nito ang mga naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address mahigit isang linggo na ang nakakalipas.

Ayon sa senador na maraming mga problema pa rin na dapat matugunan ng gobyerno.

Ilan sa mga dito ay ang mga anomalya na kinakaharap ng Philippine National Police kung saan marami pa ring sangkot sa iligal na droga.

Problema sa paliparan na nagkaroon ng ilang insidente ng blackout at ang maraming mga pagbubusisi ng immigration officers at mga imprastraktura na mga nasira.