Naging agaw pansin sa pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City ang dating aktor at ngayon ay Sen. Robin Padilla.
Si Padilla kasi ang panauhing pandangal sa aktibidad, kasabay ng 27th Police Community Relations (PCR) Month Celebration.
Napili umano ang baguhang senador dahil maliban sa isa na itong public servant, isa rin siyang mananampalataya sa relehiyong Islam.
Katunayan ang ginagamit ni Padilla bilang pangalan sa Muslim community ay “Abdul Aziz.”
Maliban sa customary practices ng PNP, nagkaroon din ng salu-salo para sa Muslim believers.
Dumalo rin sa aktibidad ang mahigit 1,000 mamamayan, kasama na ang ilang lider ng Islamic faith.
Nagpahayag naman ng kagalakan si Sen. Padilla sa masaya at payapang aktibidad, na nais din umano niyang makita sa iba pang mga lugar sa hinaharap na panahon.