-- Advertisements --

Dumepensa si Sen. Manny Pacquiao na naging maingat ito sa katatapos lamang na selebrasyon ng kaniyang kaarawan kung saan naglabasan ang mga litrato ng pagdiriwang.

Noong nakaraang linggo ay ipinagdiwang ng senador ang kaniyang ika-42 kaarawan. Mayroon aniya itong halos 50 bisita sa isang lugar na kayang mag-accomodate ng 300 katao.

Paliwanag pa ni Pacquiao, lahat ng bisita ay sumailalim sa polymerase chain reaction o PCR-test.

Doble ingat din ang pamilya ng senador dahil nandoon din ang kaniyang mga anak.

Naniniwala umano ang mambabatas na naging maingat ang lahat sa kaniyang naging birthday party. Bagama’t naging simple ay naging focus umano nito ang pamimigay ng relief goods at pera sa mga tao.