Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang command conference ng Armed Forces of the Philippines.
Ito rin ang huling pagdalo ni outgoing AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Dinaluhan ito ng mga matataas na opisyal ng AFP kasama si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Nakatakdang magretiro sa darating na Hulyo 20 matapos ang 41 taon sa military service.
Iprenisenta ng AFP kay Pangulong Marcos ang kanilang mga accomplishments at operational updates sa ilalim ng kanilang military campaign plan.
Bilang Commander-in-Chief ang Pangulo ay binigyan ito ng ilang mga impormasyon sa mga patuloy na operations at strategic plans at pangunahing programa para maging matatag at i-secure ang archipelago sa pamamagitan ng mga koordinasyon sa ilang mga ahensya.
Ipinakita rin ng AFP Officials ang kanilang mga military accomplishments sa mga nagdaang taon at maging ang mga prioridad, inisyatibo at operational objectives sa hinaharap.
Si Brawner ay siyang unang AFP Chief na nakumpleto ang tatlong taon na termino sa ilalim ng Republic Act 11939.
Wala pang napipili ang pangulo para ipalit sa 58-anyos na si Brawner.
















