Malaki ang tiwala ni Senador Lito Lapid kay Senate President Juan Miguel Zubiri maging sa pamunuan ng Senado.
Ito ay may kaugnayan aniya sa isinusulong ng economic charter change sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Lapid na buong ang kanyang tiwala sa liderato ng Senado na magsasagawa ito ng makabuluhang pag-aaral ng Saligang batas ng Pilipinas.
Kinakailangan rin aniya na interes pa rin ng bayan ang siyang masusunod o batayan.
Punto pa ng Senador, ang senado ay malaking papel sa anumang usapin hinggil sa konstitusyon.
Aniya, inihalal sila ng tao para makita at dinggin ang perspective ng iba.
Samantala, binigyang diin ng opisyal na ang pag-amyenda sa Saligang Batas ay hindi isang simpleng bagay at ito ay masalimuot ..
Dahil dito mahalaga na matukoy ang proseso at kung para kanino ba ang charter change.