Kasunod ng 7.0 magnitude na lindol na tumama sa hilagang Luzon noong nakaraang buwan, hiniling ng isang pro-administration lawmaker na likhain ang National Resiliency and Disaster Management Authority para sa isang koordinadong pagtugon sa mga kalamidad.
Sa paghahain ng Senate Bill (SB) 186, sinabi ni Senador Imee Marcos na ang mismong National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) ay mas gusto na nasa ilalim ng Office of the President (OP) dahil ang pagtugon at rescue operations nito ay nangangailangan ng kooperasyon ng iba pang departamento at mga ahensya.
‘Bukod dito, ang karagdagang paglikha ng isang departamento ay magiging kabaligtaran sa pagsisikap at direksyon ng administrasyon sa pagbibigay karapatan sa pamahalaan.
Sinabi ni Marcos na ang kasalukuyang kasanayan sa disaster risk reduction ay kailangang dumaan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nagpapaantala sa pagpapakilos ng mga resources sa oras ng kalamidad.
Iginiit ni Marcos na ang Pilipinas ay isang arkipelago na matatagpuan sa Pacific ring of fire, na may higit sa 7,000 isla at 36,000 kilometrong baybayin kung saan vulnerable ang bansa sa mga natural calamities.