Hinimok ni Senate Committee on Foreign Relations Senator Imee Marcos ang Marcos administration na mag-hunos dili at mag-ingat sa paglalabas ng pahayag sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.
Ginawa ng Senadora ang naturang pahayag matapos tiyakin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paninindigan ng Pilipinas sa Israel laban hamas nang makipagkita ito kay israeli Ambassador to the PH Ilan Fluss sa Malacanang noong Oktubre 11.
Ayon pa kay Sen. Marcos bagamat kinokondena aniya ang brutal na pagpatay lalo na sa mga inosenteng sibilyan kabilang na ang 3 Pilipino na nasawi sa giyera, dapat pa ring magdahan-dahan ang pamahalaan sa pagsasalita tungkol sa conflict sa pagitan ng Palestinian at Israel para na rin sa kapakanan ng 30,000 Pilipino na naiipit sa giyera.
Dapat din aniya na pagtibayin muna ang seguridad ng mga Pilipinong nasa israel at bantayan ang kapakanan ng mga kapatid nating Muslim at tiyaking hindi sila lubos na magalit o ma-offend kapa pumapanig sa iba.
Ngunit nakiisa din ang Senadora sa pagkondena sa lahat ng uri ng terorismo.
Hindi din napigilang mangamba ng Senadora na posibleng pagbalingan ang bansa ng symphatizers ng Islamic state of Iraq and Syria (ISIS), Hezbollah at Hamas kapag kumampi ang gobyerno ng PH sa israel.
Gaya din ng kaniyang laging sinasabi, ang PH ay kaibigan ng lahat.
Samantala, hinikayat naman ng Senadora ang mga Pinoy sa Israel na gawin ang lahat ng paraan upang makauwi sa bansa.