Pinuna ni Senator Risa Hontiveros ang pagkakaroon ng confidential fund ng Department of Education (DepEd).
Sa pagtatalakay ng senado sa 2023 budget, tinanong ng senador kung na-realigned na ba o nanatili pa rin ang P150 milyon na confidential fund ng ahensiya.
Kasama kasi ng senador si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na nagsusulong ng pag-realign sa confidential fund ng DepEd.
Una ng sinabi ni Senator Pia Cayetano ang nagtatanggol ng budget ng DepEd na ipinangako sa kanila ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na ipapaubaya na lamang nito sa kongreso ang nasabing desisyon sa nasabing pondo.
Inihayag kasi ng Vice President na mahalaga ang confidential fund sa DepEd para mabantayan ang mga mag-aaral na nasasangkot minsan sa iligal na droga, karahasan, terorismo at ibang krimen.
Plano ni Senator Hontiveros na sa mga susunod araw ay gagawa ito ng proposal na tumatalakay sa confidential fund ng DepEd.