-- Advertisements --

Hinimok ni Sen. Ricahrd Gordon ang gobyerno na siguraduhing palaging nakahanda ang disaster response equipment at stockpile sa strategic supplies upang pangasiwaan ang mga search and rescue operations nito.

Matapos ang paghagupit ng Bagyong Rolly sa iba’t ibang lugar sa bansa, muling ipinaalala ng senador ang pagkakaroon ng sapat na equipment at supplies sa mga strategically located warehouses na magpapabilis sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta.

Ayon kay Gordon na siya ring chairman at chief executive officer ng Philippine Red Cross, madalas na sinasalanta ng bagyo, lindol, volcanic eruption at kung ano pang kalamidad ang bansa kung kaya’t mahalaga na may mga warehouse sa iba’t ibang rehiyon.

Ito raw ay para tiyakin na nakahanda doon ang mga equipments at stock ng medical supplies at relief goods na kakailanganin.

Mahalaga aniya na palaging nakahanda ang pamahalaan dahil hindi laging batid kung kaian darating ang unos.

Ipinagmalaki naman ni Gordon ang itinayong mga warehouse ng Red Cross sa iba’t ibang strategic locations sa bansa kung saan palaging nakahanda ang mga disaster response vehicles at equipments.

Nakaimbak din umano sa mga warehouse na ito ang mga food at non-food relef supplies.

Inihain ng senador ngayong taon ang Senate Bill No. 1347. Layunin ng naturang panukala ang amiyendahan ang charter ng Philippine International Trading Corporation upang patatagin pa ang pangangasiwa nito sa stockpiling bilang paghahanda sa mga kalamidad o emergency situations.

Tataasan din umano ang capital stock ng PITC para siguruhin na sapat ang stocks ng mga kakailanganing supplies ngunit magkakaroon naman ng probisuyon para sa regular assessment of threats at inventory ng stocks, tulad ng face masks, personal protective equipment.

Gayundin ang mga mga long shelf-life food tulad ng delata, bigas, gamot at blood bags.

Paliwanag pa ng senador na pinahihintulutan din ng panukalang ito ang PITC na magtayo ng mga warehouse sa mga strategic locations.